Pinned General

Welcome to Barangay Osorio Connect Portal

April 1, 2026

📢 ANNOUNCEMENT | OSORIO DIGITIZATION - TESTING PHASE
Isang makabagong hakbang para sa mas mabilis at maayos na serbisyo publiko!
Ipinapakilala ng Barangay Osorio ang dalawang bagong sistema na gagamitin bilang pagsunod sa mandato ng National Government ng Digitization at ICT Services sa bawat Barangay.
🔹 Osorio Connect Portal – Isang online platform kung saan maaaring mag-register ang mga residente at mag-request ng mga dokumento tulad ng Barangay Clearance, Certificate of Residency, at Certificate of Indigency. https://osoriotrece.2rsystem.online/
🔹 Osorio App – Isang Android application na may kaparehong functionality ng portal, na maaaring i-download at gamitin sa inyong mga mobile phone para sa mas madaling access anumang oras. https://admin.2rsystem.online/.../20260428122644_4cc9c016...
Sa araw na ito, opisyal nang inilulunsad ang mga nasabing sistema bilang bahagi ng digital transformation ng ating barangay upang mapabilis at mapahusay ang proseso ng serbisyo.
📌 Ang mga sistemang ito ay kasalukuyang nasa TESTING PHASE.
Inaanyayahan namin ang lahat ng residente na mag-register, subukan, at tuklasin ang mga bagong features nito. Kailangan ang inyong email address at mobile number para makagpag register dito.
1. Magregister bilang resident
2. Kailangan ng kahit anong ID, Email Address at Mobile Number para makapag register
3. Maghintay ng 24 HRS para sa activation ng inyong account
4 Ang email address na ginamit sa register ay magsisilbing username.
Tandaan!!! Ang irerequest ninyo na documento ay kailangan pa din kunin sa mismong Barangay Hall dahil isa lang itong paraan para pagpunta ninyo sa Barangay ay ready for pick up na ang nirequest ninyong document.
Tumatanggap pa din ang Barangay Osorio ng WALK IN request.
#OsorioDigitization #SerbisyongDigital #barangayosorio